Ang pag-alay sa mga piring sa mata at busal sa tenga.*

Different youth organizations gather at the AS Steps of UP Diliman on October 7, 2011 to show support to the much debated Reproductive Health Bill.

Para sa Pilipinong baklang wala nang makita at wala nang marinig dahil sanay na sa diskriminasyon. Para sa mga Pilipinong baklang winalan ng kalayaan at inalisan ng karapatan.

Iniaalay ko ang mga piring sa mata at busal sa tenga bilang tanda sa gadekadang pagkabulag at pagkabingi sa lipunang mapanghusga. Gadekada na rin ang ating pagsasawalambahala sa mga isyu na nakadirekta sa sector ng pilipinong LGBT. Gadekada na rin ang ating pagkamuhi.

Ang karahasan na nakabase sa kasarian ay karahasan sa sangkatauhan.

Ang isyu ng pangsekswal at reproduktibong kalusugan ay hindi lamang para sa kalusugan ng mga babae. Kalusugan ito ng bawat isa. Nitong Setyembre lamang, dalawang daa’t isa ang nagpositibo sa HIV. At higit-kumulang walumpong porsyento ay mula sa hanay ng mga lalakeng nakikipagtalik sa kapwa lalake. Malaki ring porsyento dito ang mula sa hanay ng kabataan.

Ang mga interbensyon na nakadirekta sa mga Pilipinong bakla ay patuloy na nagiging mahina. Dahil ang sector ng mga lalakeng nakikipagtalik sa kapwa lalake ay kasalukuyang nakatago sanhi ng panghuhusga ng mapangmatang lipunang Pinoy.

Hangga’t may panghuhusga, may pagtatago. At hangga’t may pagtatago, may mga hindi naaabot.

Ang isyung pangkasarian ay isyung pangkalusugan. At ang kalusugan ay isang karapatan.

Isandaan at apatnapu’t isang kaso na ng pagpatay sa mga bakla’t lesbiyanang Pinoy ang naiuulat ng LGBT Hatecrime Watch. Ang isa sa mga kaso ay ang pagtalukap sa balat ng mukha ng dalawang magsyotang bakla sa Taytay, Rizal.

Nitong nakaraang buwan, tinawag ng isang Obispo na kadiri ang pagpapakasal ng dalawang nagmamahalang lalake.

Sa mga pagkakataong ito, napapanahon ang isang komprehensibong edukasyon patungkol sa kasarian at oryentasyong pangsekwal. Napapanahon ang pagtama sa mga maling panghuhusga. Walang panahon upang magkibitbalikat. Dahil ang pagkikibitbalikat ay pakikisangkot sa mga mapanghusga.

Para sa mga kabataang Pilipinong tibo, bakla, lesbiyana, bading, discreet, tukling, baklita, binabae, transgender, transsexual, nilatch, MSM, tripper, bisexual, mayamaya, queer, keme, chenes, kumembular, eklavu…

Isang mapagpalayang hapon.

Para sa malawak at malayang kabataang Pilipino.

_____________

*This speech was delivered by Renier Louie B. Bona, youth representative of TLF-SHARE, during the Purple Ribbon Campaign Candle Lighting Ceremony in UP Diliman on October 7, 2011.

I respect Marcos: on giving Makoy state/military honors

photo courtesy of Reuters

It must suck to have one’s life measured by, as history books would imply, the most atrocious event that he/she has caused.

But Ferdinand Marcos is Ferdinand Marcos. Perhaps he was the most brilliant president our country has ever had. He studied law at the UP College of Law, studied for the bar while in jail (for his involvement in the murder of political figure Julio Nalundasan) and represented himself in the court of law (which he eventually won). He was the poster boy for everything brilliant for a politician: someone who’s highly intelligent, has a backbone, and has developed a clear vision for the country.

Maybe he could have been the country’s Lee Kuan Yew and drove the Philippines as one of Asia’s superpower. He had a strong socio-political ideology and vision for the country. And for that I respect the guy.

But as the Jedi Knights would say, he was seduced by the dark side of the force (historical chismis says that this dark side of the force has a name: Imelda Marcos). And so on September 21, 1972, he declared Martial Law based on the alleged rise to power of the Communist Party of the Philippines and its military arm, the New People’s Army and the bogus assassination attempt on then Minister of Defense Juan Ponce Enrile.  This initiated the darkest time in Philippine history where the economy went down to the mud and human rights violations happened so very often it seemed like a trend in the Philippine society.

And on August 21, 1983, his political rival Ninoy Aquino (who was/is highly revered as a warrior of democracy but to me was just another megalomaniac who was lucky enough to be on the other side of the political spectrum at the time) was gunned down as he returned to the Philippines after being exiled in the United States. This initiated the regime’s downfall.

39 years after the Martial Law was declared, Makoy is now dead and resting beautifully (pun intended) in a glass case and one of the longest and ever persisting debates is if his remains may be given a state burial. Incumbent president Noynoy Aquino already said that this won’t happen while he is the president, thus giving the impression that the decision was made as a personal vendetta against the Marcoses (although his spokespersons clarified that the decision was hinged on the fact that the Marcoses continue to deny that there were human rights violations during the late President’s regime).

I was asked couple of days ago regarding my take on this issue and the first thing that I asked myself was, why bury him at the Libingan ng mga Bayani and give him state and/or military honors? Because he was a president of the country? If that’s the case, I would like argue that labels are just labels — it has nothing to do with the person’s credibility, dignity and value. And burying someone at the Libingan ng mga Bayani because of a label is a disservice to the actual heroes who are buried there. As a person though, he may have done some good deeds but I don’t think he did enough to offset the horrors that his regime has caused the country and humanity in general.

And maybe it was also because….

Well, that’s it. I cannot come up with any other argument that will support giving him the honor his family and loyalists and 50 percent of the Filipinos want (according to an SWS survey).

If Marcos was just a comicbook supervillain a la Lex Luthor, I would have loved him. But his administration bastardized the Philippine society. And for that I say no to giving military, state or any other form of honor in his burial — even though I respect him as a leader (Let’s face it: it takes one hell of a leader to lead an entire nation to the slumps).

Kung bakit nakakatakot ang sagot ni Shamcey Supsup sa Q&A sa Miss Universe 2011

Syala ang lola mo. Bet ko sya. At maski nakasagot sya nang "maayos" sa Q&A, nakakakaba para sa akin na tila walang nakakakita na may problema sa implikasyon ng sagot nya.Photo courtesy of Reuters

Syempre patulero na naman ako at pati Ms. Universe, di ko pinapatawad. Oh well, anong bago?

Ito ang problema ko: tulad ng nakakagimbal na anecdote sa unang column ni James Soriano, para sa akin malaking repleksyon din ang sagot ni Shamcey Supsup sa disposisyon ng lipunan sa usapin ng relihiyon at kung paano natin isinasabuhay ito.

Question: Would you change your religious beliefs to marry the person you love? Why or why not?
Answer: If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God   who created me and I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.

(Quick disclaimer: di ako magfofocus sa diskurso ng relasyon. Dun lang tayo sa kung paano isinasabuhay ang relihiyon)

Okay, ito ang tanong ko: sabihin nating valid ang sagot nya, pano kung partner nya ang magsabi na “kung mahal mo ako, dapat mahal mo rin ang diyos ko.”? Sino ang maggi-give in? Dahil ba siya ang babae, dapat ang lalaki ang makiayon sa paniniwala nya? Please. Ang sexist lang ah.

Isa pa, pano mo mamahalin ang isang diyos na di mo naman pinaniniwalaan? Hindi ba karapatan ng isang indibidwal ang bumuo at maniwala sa kung anumang disposisyon niya sa usapin ng relihiyon at theism? Bakit kailangan ng imposition sa usaping ito? Sabihin natin, “sige game ako sa paniniwala mo basta tayo pa rin?” Ang ipokrito lang ng dating. Actually kung tutuusin di lang sa dating: ipokrito talaga.

Sa isang mundo kung saan maraming kultura, paniniwala at relihiyon,  isa sa mga bagay na kailangan nating iwasan ay ang maging imposing sa kung anong pinaniniwalaan ng iba – lalo na pagdating sa relihiyon. Hindi porke naniniwala ka sa isang diyos at doktrina ay mali na ang iba. At mas lalong hindi porke di kayo parehas ng pinaniniwalaan ay kabawasan ito sa tatag ng damdamin ng isa para sa kabila. Hindi rin kabawasan sa paninindigan mo bilang tao ang pagtanggap sa kapwa.

Respeto at pagtanggap. Yun lang naman ang hiling ko at sana iyon ang sinagot nya. Fine, pressured sya, kabado. Andun na ako. Pero medyo nakakagimbal din para sa akin ang pag-apaw ng papuri sa pagsagot nya. Guys, wag tayong mayabang. Mahal mo ang diyos mo, fine (I don’t even know how that works really). Pero karapatan nyo yan kaya eto na lang ang agreement: di kita pakikialaman, wag mo rin akong pakialaman. Tanggapin natin ang bawat isa. No impositions.

Kung tutuusin, ilang giyera na nga ba ang sumiklab dahil sa imposing tendencies ng religion? Ilang tao na ba ang pinatay sa ngalan ng kung sinumang diyos na pinaniniwalaan nila? This is why I believe religion and theism must remain on an individual level. Pag lumaki ang sakop nito, malaki ang tendency na maging universalistic. Mayabang at arogante.

Ika nga ni Jonathan Swift, “We have just enough religion to make us hate, but not enough to make us love one another.”

P.S.

Na-bring up na to sa Twitter kanina. Pero yung yabang lang natin na si Shamcey Supsup lang ang di gumamit ng interpreter, para sa akin isa ito sa mga punto ni James Soriano. Puro tayo ipokrito

Dear James Soriano

Di tulad mo, kasali ako sa karamihan na sa aklat at sa palabas na Batibot na ito natutong bumasa. (photo courtesy of balat.multiply.com)

Magandang araw.

Ang problema sa column mo tsong, elitista ang perspektibo.

At ang mga tao lang na di galit sa elitista ay ang mga kapwa nito elitista. Sa isang bansa na, ayon nga sayo, ay naging tambayan – o tambakan (depende sa kung ano ang gusto mong ipakahulugan) – ng mga nabubulok na baka at malansang isda, masakit sa damdamin na sa kabila ng paghihirap ng karamihan sa buhay ay may katulad mo na patuloy pang nagpapababa sa pagpapahalaga namin sa sarili. Kung hindi naituro sayo kung paano magpakatao, may konsepto tayo na tinatawag na konsiderasyon sa kapwa. Iba ang pagiging tao sa pagpapakatao. Sana matutunan mo yun dyan sa Ateneo. Maraming ibang paraan para sabihin ang gusto mong sabihin pero pinili mong maging matapobre.

May matinong ideya naman sa likod ng akda mo at hindi ko ipagkakaila yun. Sino nga ba naman ang di nagsalita ng wikang Ingles para makaramdam ng pagiging mas mataas kesa sa kapwa, anuman ang konteksto nito? Hindi ba’t tila naging porma ng paglayo ng marami satin sa iba (sa propesyonal o socio-economic na konteksto) ang paggamit sa wikang Ingles? Ilang estudyante na ba ang pinagbayad ng multa sa pagsasalita ng Filipino sa isang “English-speaking school”? Hindi ba nga at patuloy na pinag-iigting ang kahusayan sa wikang Ingles upang maging matagumpay na propesyonal – bilang call center agents?

Dahil kung tutuusin, ang wika ay di lamang naman talaga wika, naging kasangkapan na ito sa power struggle at stratification sa lipunan.

Sa kasamaang palad, nasa isang lipunan tayo kung saan tila mahalaga ang kasanayan sa wikang Ingles para mapatunayan ang kahusayan sa propesyon at mapagtibay ang estado mo sa lipunan. Hindi mo lang naisalaysay nang maayos (pero syempre pwedeng ako lang yun). Kaya bilang babala at payo sayo, wag na wag ka nang magsusulat ulit ng ganito. Di porke marunong kang magsulat ng abakada at bumuo ng mga salita mula sa mga letra ay maari ka nang magsalaysay gamit ang panulat na may ganitong sakop. Pasensyahan na lang, di kasi lahat ng bagay nakukuha sa “proficiency”.

At sa huli, sana lang kung gaano kalakas ang pagsiklab ng damdamin laban sayo at sa sinulat mo (mula sa nasaktang nasyonalistang parte namin), sana ganun din ang magiging lalim ng dedikasyon para tuluyang basagin ang nakasanayan at isabuhay ang mga pagbabagong ito. Dahil kung sakali, ganito ang magiging labas nito: mayabang at matapobre ka; ipokrito kami.

Yun lamang, maraming salamat.

P.S.

Di ko alam kung bakit ko to sinulat samantalang baka di mo rin naman ito pansinin (o maintindihan lamang) dahil sa wikang ginamit ko. Pasensya ka na, Sa kabila ng maraming reklamo ko, di pa rin kasi ako nawawalan ng pag-asa sa bansa at lipunang ginagalawan ko. Kung ako sayo, lumipad ka na lang patungo sa ibang bansa. Nakakahiya naman kasi sayo na kailangan mong mag-adjust dito sa bansa at kulturang kinalakihan mo. Pasensya na at di namin kayang mag-adjust lahat para sayo.

Weh: Ang CCP, si Mideo Cruz at ang (mababaw na) lipunang kanilang ginagalawan

Ang kapal lang ng mukha ni Imelda na magpreach tungkol sa moralidad sa kabila ng karimlan na hatid nilang mag-asawa sa bansa.(Photo from What's on Jinan)

 

Natatandaan ko may art class kami sa elementary. I remember we were asked to make sculptures out of soap. Bangka ang ginawa ko dahil madaling gawin; wala namang katig. I also remember we were asked to paint stuff using water color. Syempre mas maganda, mas mataas ang grade. Di lang nalinaw samin ang aesthetic taste at credibility ng teacher na nageevaluate sa mga “works of art” namin. Isang buong academic year ng kung anu-anong pinapagawa samin, pero sa pagkakatanda ko, hindi nadiscuss kung ano ang sining at kung ano ang papel nito sa dynamics ng lipunan.

Kasabay nito, kailangan din nating tandaan na sa isang lipunan na tila “in” ang sarado o mababaw na pag-iisip at kakulangan sa pagmamasid sa takbo ng lipunan, mahalaga ang aktibo at produktibong diskusyon sa mga isyu na kasalukuyang hinaharap. Ang problema nga lang, ilan lamang ang nagnanais na makilahok. Maraming patay malisya; maraming walang pakialam. At pag ganito na ang sitwasyon, isa na lang ang nalalabing solusyon: sabi nga ni Kevin Spacey sa pelikulang Se7en, “Wanting people to listen, you can’t just tap them on the shoulder anymore. You have to hit them with a sledgehammer, and then you’ll notice you’ve got their strict attention.”

Mula sa dalawang proposisyong ito, mapunta naman tayo sa kontrobersiyal na art installation ni Mideo Cruz sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na kamakailan lamang ay umani ng batikos mula sa ilang grupo at maging sa senado at kongreso. Marami ang umusig sa mga imahe na nakalatag sa gawa ni Cruz. Aamin ako, masyado ngang provocative ang mga imahe. Pero tulad nga ng natutunan ko sa Art Studies, kailangan nating hanguin ang kahulugan at mensahe na nais iparating ng mga imahe upang tuluyang madetermina ang value ng mensahe nito. Hindi mo pwedeng atakehin ang kabuuan nito dahil sa imahe lamang. Kaparehas lang yan ng don’t judge a book by its cover – na natutunan ko sa panonood ng Hiraya Manawari (na wala namang point i-bring up; gusto ko lang i-share).

Wala akong problema sa di pagsangayon; malaya ang bawat isa na hindi sumangayon sa sinasabi ng kapwa (basta base ito sa lohikal at pinagisipang mga rason). Pero hindi sapat na rason ang di pagsangayon upang atakehin – at ultimately ay ipabaklas – ang medium at ang gumawa nito. Bilang karagdagan, I agree na may limitasyon nga ang karapatang magpahayag ng sinuman. Pero kasabay nito, sana ay tandaan natin na may limitasyon din ang karapatan na umusig at magbigay ng kritisismo. Sana maging illegal ang pagbibigay ng kritisismo na batay sa kawalan o hilaw na pagninilaynilay sa subject. Sana pwede ring sampahan ng kaso ang mga hindi nag-iisip.

Sa huli, responsibilidad sa sining na ipahayag ang isang ideya para makapagsimula ng matinong diskusyon. Malayang kang sabihin na di ka sang-ayon sa ideya ito; pero di ibig sabihin nun dapat na itong tanggalin – at mas lalong di ibig sabihin na masama nang tao ang gumawa nito.

Isulong ang malaya at matalinong pamamahayag – anumang porma ang gamitin nito: mula sa sining hanggang sa peryodismo.

 

Nice, but not quite: an assessment on SONA 2011

Photo from Noypistuff

I must admit, I seriously considered leaving the country when Noynoy won the elections. Imagine having a person with no sufficient experience winning the presidential race — all because of the so-called legacy his parents have left the country. We’re such dumb asses. But Winnie Monsod gave a lecture on the last day of our econ class and I just can’t forget that. So I’m still here.

Anyway, a  year has passed since he won the presidential seat and as he delivered his state of the nation address, many were keen on how much our society has changed during his leadership and administration (Unfortunately, many seem to remain completely apathetic on how we’re doing as a country. Shame on you, people. Shame on you)

First, I must give props to Manuel Quezon III. The speeches he wrote were just awesome: consistent and eternally in line with the key messages of the administration. The rhetoric was just beautiful, I must admit. Add that to Noynoy’s suave delivery and the support of shallow morons are to be expected. After the horrifying tenure of that cunning bitch that practically bastardized the country, its people and the very institutions that run it, Noynoy symbolized the change that everybody wanted and needed. Although the question remains, did the promises that he successfully carried on as a symbol got translated into concrete outputs?

Let me be clear though: I am not refuting the validity of his administration’s accomplishments. Noynoy’s report was nice, to say the least. The thrust against corruption has been headlining this administration since it started and up to this day, the discourse never seemed to waver. Although we must admit that we are a country that needs profound transformation and things seem to run at a very slow pace. To me, it’s like trying to treat a cancer patient with painkillers.

Am I being too harsh? Fine. Let’s take a look back at what’s been done.

A lot of corruption charges have been filed in the last year against those motherfuckers who stole people’s funds for their own selfish interest. But what the fuck happened? Nothing. Almost everything got buried into other relatively stupid “news” — like Marian and Heart’s feud.

There were also a number of bills that need attention, but didn’t even make the list of priority bills: RH bill and FOI are on the top of my mind. Before Noynoy made a stand for RH bill but now his administration seems to be tip-toeing around it, fearing to “offend” the church. Can somebody give – or buy, if it’s possible – the president some balls? The backboneless leadership of the country reminds me of the way his mother stupidly opted to pay the country’s debt despite the opportunity to waive it. And now she’s dead and we’re still paying the goddamn debt.

Business confidence may have been boosted, thus making rich capitalists very happy. But nothing has changed for many proletariats and lumpen proletariats in terms of economic power. If anything has improved, perhaps it’s the rift between economic classes. And just so the masses won’t get pissed, the administration came up with programs to “address” the issue such as CCT and Pantawid Pasada. Coming up with these programs without trying to address issues like labor conditions, inflation and corporate imperialism, the aforementioned initiatives will remain to be condescending.

In the end, the administration’s first year was okay – but not brave. And for a state that is being eaten by a cancer called apathy, stupidity and poverty, a brave leader is needed to conquer the odds, closed-mindedness and pseudo-moral protests to get to that so-called “matuwid na daan”.

On the cross and arrow-tailed circles

Just like these symbols, the only difference between a man and a woman are their danglers

I was originally writing about CBCP’s patronizing and insulting statement about the PCSO issue, but I decided to take a break from that because, well, one can just take so much crappiness in a day. Anyway, just so I have an outlet for the day – and because I promised a friend long ago that I will write a piece about this – I am discussing this particular topic now.

Just a short disclaimer: by showcasing this dichotomy doesn’t mean I’m leaving out the homosexuals. I think my previous entries will show you just how much respect I have for them. Moreover, I know that this particular issue does not apply to everyone. But for those who still subscribe to this particular ideology, this is for you.

Appropriation of gender roles suck. Seriously. To me, the only difference between a man and a woman are their genitals. This means that whatever it is that one does may also be done by another, regardless of one’s gender.  Whoever it is that said men should and shouldn’t do these and women should and shouldn’t do those is a total moron. At its very core, doesn’t this ideology espouse sexism?

Take this as an example: in early times, women weren’t allowed to vote. This was based on the notion that women did not really have the sufficient cognitive capabilities to make sound decisions on who should run the state – or a particular community for that matter. Of course, eventually this form of discrimination was abolished to establish equality among genders in the society.

Now let’s go to a micro level as an illustration: men get to tell women that they like them. But women seem to be having a hard time doing this. Some say it’s because of pride, ego or because that’s just not the way things normally should go. Well guess what, suck it up. This is your right to express what you feel that we’re talking about it. If we have established your equal rights on a societal level, why the hell can’t you establish and practice your right as a human being? If you fear about getting rejected, so what? That’s the way life goes. Men get rejected almost every time; why on earth should men monopolize rejection? Throw your ego, pride and concept of normalcy out the window. That’s gonna get you nowhere. Be empowered, for crying out loud. A lot of feminists have devoted their lives pushing for your rights; I think the least you can do to repay them is to actually practice what they’ve been fighting about.

Of course, some traditional members of the society will judge you. But more likely than not, these are also the people that when you ask them why they think gender roles appropriation is right, they will tell you the most intellectually insulting answer there is: Basta. Really? Guys, let’s straighten our acts up and think rationally before fearing stupid judgments from narrow-minded people. If you are gonna care about somebody’s opinion, might as well care about the opinion of someone who actually thinks.

The bottom line is, this entire bullshit was produced and reproduced by the messed-up patriarchal society that we now have. In the beginning, it is us who created these crap. So the question is, why do we let the dogmas that we created rule us?

10 things Jose Rizal will (probably) say if he resurrects for his 150th birthday

Ako na ang cool! (photo courtesy of Natiel)

Ano kaya ang sasabihin ni Rizal kung muli syang babalik mula sa hukay? Bakit hindi, tutal 150th birthday naman nya. Ano kaya ang reaksyon niya sa current landscape ng socio-political situation at popular culture? Eto ang sampu sa mga maaring sabihin nya.

1. Kami ni Blumentritt ang nagpauso ng bromance! We’re awesome maski long distance. True story.

2. To all the girls I “loved” before, sorry pero may usapan kami ni Paciano na hindi ako maga-asawa. Ganun talaga. Ako ang unang “player” e. True story.

3. Kasalukuyan pa pong tina-tally ng historians kung sino ang mas naging chick-boy samin ni Gregorio del Pilar. Pero yung usapin ng mas creepy, sya panalo dun. Hindi ako nagtago ng panyong may pabango mula sa bawat chicks ko.

4. Pasasalamat sa utol kong si Paciano sa pagbibigay sakin ng oportunidad na makapag-intellectual masturbation sa Europe. Kung hindi mo ko pinilit dun, ikaw sana ang sikat ngayon. Sayang lang di ko nakatuluyan si Leonor Rivera.

5. Nag-retract ako o hindi? Hulaan nyo.

6.  National Hero ako pero mga kano ang naggawad sakin ng ganung titulo. Watdahel guys?

7. Andami palang pelikula tungkol sakin. Astig. Salamat sa pag-sanitize ng buhay ko. Pero yung Bayaning 3rd World, di ko trip yun. Who the hell is Mike de Leon? Lies! Lies! Lies!

8. Mukang mas timeless classic pa ata ang character ni Damaso kesa kay Ibarra. Akalain mo yun.

9. Tangna Bonifacio, akala ko ba pag nagtagumpay ang Katipunan, lalaya na ang bansa bilang lipunan? E bakit nakikialam pa rin ang simbahan?

and the finale…

10. Hi Noynoy! Nice to meet you, pare. Kababalik ko lang kaya kailangan ko ng tutorial from you. Paano ba ang tamang asal at asta pag overrated?

*isa po itong satirical post. So sorry sa mga mao-offend na hardcore at naghahardcore-hardcore-an na fans ni Rizal. Di ko na po kasalanan kung wala kayong sense of humor.

Bata, bata, wag ka munang gagawa: Youth on RH bill

photo from Bodyscapes.com

Kung sinuman ang maysabing hindi rampant sa modernong lipunan ang pre-marital sex ay dapat patingnan sa doctor – or ipasok sa mental hospital. At dahil dito, tumataas na rin ang bilang ng mga indibidwal na napipilitang pasukin ang estado ng pagiging magulang sa maagang edad. Isang beses, nakapanood ako ng isang documentary kung saan may isang katorse anyos na batang babae ay nagkaroon na ng supling dahil di niya alam na nakakabuntis pala ang pagtatalik. Ayos. Kasi nga naman may ibon daw na nagdadala ng mga baby sa bawat bahay. Kung sinuman ang naga-assign ng kung sinong baby ang mapupunta kanino ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga siyentipiko. Ugh.

Magkagayunman, may isang bill na kasalukuyang isinusulong para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Kasama sa proposals ng bill na ito ay ang maghain ng mga alternatibong at mas pinaigting na fundamental na solusyon sa isyu bukod sa chastity, na aminin na natin ay unti-unti nang namamatay sa panahon ngayon. Itago na lang natin ang bill na ito sa pangalang Reproductive Health Bill. Ang pagkakapasa sa bill na ito ay nangangahulugang mas mataas na lebel (at supposedly ay mas epektibong) proteksyon (yes, pun intended) para sa mga kabataan upang maiwasan ang mga hindi planadong pagbubuntis at ang bigla at kawalang kahandaan na pagpasok sa estado ng pagpapamilya.

Kamakailan ay naghain ng statement ilang grupo ng kabataan na nagpapaliwanag kung bakit dapat isulong ang Reproductive Health Bill. Eto ang excerpt mula sa kanilang statement:

We believe that the Reproductive Health Bill:

  • Will provide us with an appropriate, non-discriminatory and participatory avenue to learn and understand our sexuality and rights through comprehensive age-appropriate  sexuality and reproductive health education;
  • Promotes gender equality and equity, and helps eradicate stigma and discrimination especially against the LGBTQI community and those living with HIV and AIDS;
  • Can effectively reduce unplanned pregnancies which often result to induced abortions, maternal deaths, prevent the spread of sexually-transmitted infections including HIV and AIDS, and improve the quality of life of every child and youth through information and services on sexual and reproductive health; and
  • Recognizes, respects and promotes the right of every Filipino, including the youth, to free and informed choice.

Kung tutuusin, responsibilidad ng kabataan na makialam sa lipunan. Sila rin naman ang gagalaw at magpapatakbo sa komunidad na kanilang kinabibilangan sa hinaharap kaya might as well help shape the world that they will live in sa hinaharap ngayon pa lang. The concerns of the youth must go beyond Justin Bieber, MTV, and the cutest shoes and bags. Apathy and indifference ang papatay sa lipunang ito.

Matuto tayong makialam. Tulungan natin ang bawat isa na maging buo ang sarili bago umusad sa susunod na yugto ng ating mga buhay, anumang yugto ito. Study up and make a stand. I don’t care if you choose to be against the RH bill. Karapatan at responsibilidad mong bumuo ng opinion na AYON SA MGA VALID NA DAHILAN. Learn to have an opinion about the dynamics of the society.

Responsibilidad ng kabataan ang sarili nya at ang hinaharap ng lipunang kanyang ginagalawan. Simulan na natin ngayon.

To read the complete copy of the statement, click here

To read the complete copy of the Reproductive Health Bill, click here

 

 

Eulohiya ng isang dating estudyante*

Disclaimer: This is a deeply personal entry. Pagbigyan nyo na sana.

Nagsimula lang iyon bilang isang personal na eksperimento: magsusulat ako ng artikulo sa wikang Filipino. Titingnan ko kung ano ang magiging reception dito ng aking professor at ng aking mga kaklase (lalo na at wino-workshop ang mga istoryang isinusulat namin). Try lang. Kung mababa man ang grade na makuha ko, at least alam ko na hindi talaga ako dapat magsulat in Filipino.

Nang basahin na ang istoryang sinulat ko, sinabi ng professor ko na mas fluid daw ang narrative ko sa istoryang iyon. Ipagpatuloy ko raw. Matagal na akong nagsusulat sa Filipino pero dahil naging trend na sa kolehiyo ang magsulat ng artikulo sa wikang Ingles, syempre yun ang sinunod ko. Pero noong araw na iyon, doon ko napagtanto na okay nga lang pala magsulat ng istorya sa wikang Filipino. Hindi nga naman porke in Filipino ang sinulat mo ay pang-tabloid na ito (pasensya sa stereotyping, bata pa ako noon).

Simula noon, madalas ay in Filipino na ang isinusulat ko. Kung magsusulat man ako in English sa klaseng iyon, ito ay dahil ayaw kong ma-awkwardan ang mga salitang biktima ng kakulangan ng direktang translations sa wikang Filipino.

Almost every week, may bago kaming writing assignment kaya medyo effort din yung klase na yun (bilang kinuha ko sya kasabay ng thesis proposal class ko). May ilang writing assignments din na sobrang personal – tungkol sa pamilya at sarili. Napakapribado kong tao at di ako komportable na i-share ang mga ganoong klase ng impormasyon sa mga taong di ko naman kilala. Pero may assurance naman na ibinigay na anuman ang sabihin at mapag-usapan sa loob ng classroom ay mananatili doon. Pinanindigan ko yun. Ewan ko lang yung iba. Pero ang bottom line, naging bukas ako sa klaseng yun – isang bagay na medyo nagii-struggle ako hanggang ngayon.

Napaka-liberating din para sa akin ng klaseng iyon. Libre kang mag-eksperimento pagdating sa structure, narrative style, etc. Basta factual at syempre, may saysay. For someone na medyo nakulong na sa structure ng news writing, it was a breath of fresh air for me na naging malaya ako na isulat ang istorya ko sa paraang tingin ko ay epektibo.

Syempre, may mga panahon na may sablay din yung mga istorya ko. Pero sa mga pagkakataong iyon, di naman sya naging condescending. Malumanay ang boses na ipo-point out sayo kung ano ang dapat baguhin, ano ang dapat bigyan ng emphasis, ano ang dapat na laliman. Naging honest critic sya na hindi nakakasama ng loob ng nagsulat.

That was Feature Writing Class, under Prof. Chit Estella-Simbulan. First Semester, Academic Year 2007-2008.

Kung di ako nagkakamali naging professor ko na rin sya before that (sa News Writing class, Journalism 102) pero sa feature writing class talaga sya tumatak sa utak  ko. Dahil sa kabila ng creative freedom na bihira sa structured news writing, doon din ako na-encourage na magsulat in Filipino.

After that semester, nakikita ko pa rin sya minsan sa Journalism department. O minsan sa kung saang lupalop ng Plaridel Hall. Binabati ko sya at tinatanong nya ako kung kamusta na ako. Never ko syang tinanong kung kamusta na sya.

Honestly, di ko alam ang naging lalim ng impluwensiya at kontribusyon nya sa industriya ng pamamahayag nya sa Pilipinas. Alam ko lang dati ay isa sya sa mga bumubuo ng Vera Files. Doon pa lang naastigan na ako sa kanya. Ngayong naglabasan na lang ang mga istorya tungkol sa kanyang naging karera bilang isang journalist ko nalaman at lubos na naintindihan kung gaano sya kahalaga sa industriya.

Magkagayunman, isinusulat ko itong eulohiya na ito bilang estudyante. Marami akong naging professor na malaki at malalim ang naging impluwensiya sakin. Isa na sya dun. Nang mabalitaan at makumpirma ko ang biglaan at bayolenteng pagpanaw nya, nalungkot ako di lang dahil malaki ang naging impluwensiya nya sa akin bilang guro kundi dahil na rin sa mga estudyante na di mararanasan na maging professor sya.

Nakakapanghinayang. I am mourning sa pagkawala ng isang mahusay na mentor at mamamahayag. Kung matutuloy ang pangarap ko na maging professor sa hinaharap, I want to be like her. At oo nga pala, maski huli na, gusto ko ring humingi ng tawad sa pagtiwalag ko sa propesyon at bokasyon kung saan ay dapat kong suungin.

Rest in peace, Ma’am Simbulan. Sa kabila ng naging takbo ng buhay ko, pipilitin ko pa ring ituloy ang mga sinimulan mo at isabuhay ang mga itinuro mo – sa abot ng aking makakaya.

*Veteran journalist and UP professor Lourdes “Chit” Estella-Simbulan was killed in a road mishap near UP-Ayala Technohub in Quezon City last May 13, 2011

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.